ILANG TINDERA NG PAPUTOK SA PANGASINAN, DAING ANG MATUMAL NA BENTAHAN DAHIL UMANO SA ONLINE SELLERS

Daing ng ilang tindera ng paputok sa Pangasinan na pinayagang magbenta sa mga designated areas ang tumal ng kanilang bentahan dahil umano’y mas malakas ang bentahan ng kanilang mga kakompetensya online.

Ayon sa ilan sa mga tindera sa bahagi ng bypass road sa Urdaneta City, matumal ang benta ng kanilang mga produktong paputok dahil marami sa mamimili ang bumibili na lamang online, na hindi nila matiyak kung lehitimo at ligtas ang mga produkto.

Nagbigay katiyakan ang mga may pwesto na dumaan sila sa tamang proseso at may legal na dokumento na nagpapatunay na dekalidad at lehitimo ang kanilang mga ibinebenta.

Ilan sa mga produktong tiyak na dekalidad at mabibili sa mga awtorisadong tindahan ay kwitis na 120 pesos kada 10 piraso, lusis na 50–100 pesos, fountain na 150 pesos pataas, fireworks na 1,300–1,400 pesos depende sa klase, 16 shots dragon na 1,400 pesos, at 300 shots saturn missiles na 1,500 pesos.

Facebook Comments