ILANG TINDERA SA DAGUPAN CITY PROBLEMA ANG NATUYOT NA PANINDANG GULAY DAHIL SA MAINIT NA PANAHON

Problema ngayon ng ilang tindera ng gulay sa Dagupan City ang mabilis na panunuyo ng kanilang ibinebenta partikular na ang dahon-dahon na gulay dahil sa mainit na panahon ngayon.

Kanya-kanyang diskarte ang mga ito upang maiwasan ang pagkalugi dahil ayaw naman umano ng ilang mga konsyumer na tuyot ang bibilhing mga dahong gulay.

Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, kada minutong winiwisakan ng tubig upang manatili itong basa at hindi agad manuyo.

Ang iba naman, binabalot pansamantala sa plastik dahil hindi raw itong madaling matuyo o malanta kung nakabalot.

Samantala, kung hindi maiwasan na tuluyang malanta ang mga gulay ay hindi na ipinipilit na ibenta pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments