Kinatigan ng ilang tindero ng alak ang panukalang nais isa batas na magbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga menor de edad.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, sa katunayan ay hindi naman talaga naiiwasan ang pagbili ng mga bata ng alak.
Aminado rin ang mga ito na ilan sa kanilang mga nagiging kostumer ay mga estudyanteng nag kasundong nag-inuman.
Sa kabila nito, sinang-ayunan ng ilang tindero ng alak ang nais isabatas na panukala sa kadahilanang ang alak daw minsan ang nagiging sanhi ng kaguluhan sa mga kabataan ngayon.
Inihayag din ng ilan na pagmumulan pa ito ng sakit, bagay na hindi pa umano paniniwalaan ng mga kabataan dahil sila ay bata pa at wala pang masyadon iniinda.
Samantala, nakasaad sa ipinapanukala ang kaparusahan sa mga menor de edad na mahuhuling lalabag sa pamamagitan ng community service, maging amg pagsasailalim ng mga ito sa rehabilitative counseling ng DSWD. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









