Posibleng magpatupad ng pork holiday ang ilang nagtitinda ng baboy sa Muñoz Market kasunod ng pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa price ceiling sa mga baboy.
Ayon sa ilang nagtitinda, hindi talaga kaya ang 270 pesos sa kada kilo ng kasim at 300 pesos sa kada kilo ng liempo dahil ang puhunan nila ay 290 hanggang 300 pesos kada kilo.
Mas mabuting magsara nalang anila sila kaysa ipasara at pagmultahin sila ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) dahil sa hindi pagsunod sa price ceiling.
Iginigiit ng nagtitinda dapat ang habulin ay iyong mga nag-aalaga ng baboy para mapatupad ng maayos ang 270 to 300 pesos na kilo ng baboy.
Base sa kwento ng byahero 225 pesos na ang farmgate price ng karneng baboy kaya’t ipinapasa nila ito sa palengke ng 290 pesos.