Tiniyak ng ilang tindera at tindero ng karne ng baboy at manok sa Malimgas Public Market sa Dagupan City na nananatili pa rin ang presyo ng karne kada kilo sa kabila ng naranasang nagdaang bagyo at pagbaha.
Ani ng ilang tindero ng karne, hindi umano sila nagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto dahil sumusunod rin sila sa price freeze na kasalukuyang ipinapatupad habang nasa ilalim ang lungsod sa state of calamity.
Bagaman hindi pa nakakabawi sa kita matapos ang pagkatumal ng mga mamimili noong mga nakaraang linggo ay inaasahan nilang babalik ang sigla ng kalakalan sa pamilihan sa mga susunod na araw.
Sa ngayon nasa 220 pesos ang presyo ng kada kilo ng karneng manok, nasa 370 pesos ang laman ng baboy, 390 pesos ang liempo at 320 pesos naman ang buto ng baboy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









