Ilang tindero sa Marikina at San Juan City, nakatanggap ng special package mula sa “Oplan Tabang – COVID-19 Response” ng RMN networks

Sa muling pag-arangkada ng “Oplan Tabang – COVID-19 Response” ng RMN Networks INC., RMN Foundation, INC., at DZXL 558-Radyo Trabaho ngayong araw, apat na indibidwal na mga nagtitinda sa lansangan sa Marikina City ay nabiyayaan ng regalo na hygiene kit, face shield, at ilang Radyo trabaho limited edition items, gaya ng facemask at Eco bag.

Habang sa San Juan City, isang security guard, basurero at mga miyembro ng SWAT team ng lungsod ang nakatanggap ng nasabing special package.

Bukod dito, nakatanggap din ang mga ito ng raffle ticket para sa ipamimigay na mountain bikes ng DZXL-Radyo Trabaho sa August 28, 2020.


Ang naturang proyekto ay katuwang ang Pfizer Philippines Foundation At ACS Manufacturing Corp., Makers of Shield bath soap at Unique toothpaste.

Ito ay bilang bahagi ng ika-68 anniversary ng RMN netrworks, ika-walong anibersaryo ng RMN Foundation at ika-lawang anibersaryo naman ng DZXL 558 Radyo-Trabaho.

Facebook Comments