Ilang tourism activities sa Taal volcano, bawal na muna

Bawal na muna ang anumang tourism activities sa paligid ng Taal volcano.

 

Ito ay makaraang itaas ng Phivolcs ang alert level 1 dahil sa naitalang 50 pagyanig sa bulkan simula noong March 22.

 

Tumaas din ang temperatura ng tubig sa crater lake sa 31.7 degree.


 

Ayon sa Phivolcs, ipinagbawal ang paglapit sa bulkan dahil sa panganib na dulot ng toxic gas at mga steam explosions.

 

Kabilang naman sa mga lilimitahan ay ang trekking at horseback riding sa crater ng bulkang taal.

Facebook Comments