Ilang trak ng MMDA, sumaklolo sa mga mga stranded na pasahero sa Metro Manila

Manila, Philippines – Nag-iikot ngayon sa Metro Manila ang ilang truck ng MMDA para mag-alok ng libreng sakay sa mga stranded na pasaherong walang masakyan .

Sa harap ito ng pabugso-bugsong pagbuhos ng malakas na ulan.

Samantala, dinagsa ang MMDA ng mga request mula sa mga residenteng nagpapasaklolo para sa declogging ng mga baradong drainage system sa kanilang lugar.


Pinakamaraming nagpa-declog ng inlets ay mula sa Maynila at Quezon City habang may mga nagpa-declog din sa CAMANAVA area at Las Pinas City.

Tiniyak naman ni MMDA Chairman Danilo Lim na rain or shine ay tuloy ang declogging ng kanilang teams sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments