Ilang transmission line ng NGCP na naapektuhan ng Bagyong Emong, naibalik na

Balik na sa normal ang operasyon ng ilang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na pinadapa ng Bagyong Emong.

Narito ang mga transmission lines na na-restore na kagabi.

Bauang-San Fabian 69kV Line na naibalik ang normal na operasyon dakong alas-6:43 matapos magkaaberya bandang ala-1:01 ng madaling araw kahapon.

Bauang-Naguilian 69kV Line na naibalik ang operasyon alas-5:19 ng gabi na nawalan ng suplay ng kuryente bandang 1:52 AM kahapon.

Samantala, hindi pa rin available ang transmission lines kabilang na ang Bauang-San Fernando 115kV Line at Bacnotan-Bulala 69kV Line.

Sa kasalukuan, patuloy ang pagsasaayos ng line crews ng NGCP sa mga linya ng kuryente na naapektuhan ng sama ng panahon.

Facebook Comments