Maliban sa Naga-Conception 69kv line na naibalik na sa normal ang operasyon kaninang ala una ng madaling araw, marami pa ring transmission lines ang hindi pa gumagana.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, kabilang sa mga hindi pa operational na transmission lines ay sa Southern Luzon kabilang ang Lumban- Famy 69kv line, na nagbibigay ng power supply sa QUEZELCO 2, Daraga-Sorsogon 69kv line ‘Batangas-Rosario-69kv line.
Bagsak pa rin ang Calaca – Balayan – Nasugbu – Calatagan 69kv line, Naga-Libmanan 69kv line, Batangas – Taysan – 69kv line, Batangas – Mabini 69kv line, Gumaca – Atimonan 69kv line, ang Pitogo – Mulanay 69 kv line.
Bukod dito, wala pa ring daloy ng kuryente sa Gumaca – Lopez 69kv line, Naga – Iriga 69kv line, Daraga –Sto. Domingo 69kv line, Naga – Tinambak 69kv line, Daraga – Legazpi 69kv line, Sorsogon – Bulan 69kv line, Daraga – Ligao 69kv line.
Ayon pa sa ulat ng NGCP, mayroon pang labing isang 230 kv transmission lines ang hindi pa rin operational na nakaapekto sa transmission services sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Ipapatupad agad ang inspection at restoration sa mga power lines sa sandaling gumanda na ang panahon.
Samantala sa bahagi ng Visayas, may ilang transmission lines din ang bumigay dahil kay Tisoy, kabilang dito ang Calbayog – Bliss 69kv line, Palanas – Cara – Catarman – Allen – Lao – ang 69kv line at Calbayog –Palanas – Cara 69kv line.