Friday, February 6, 2026

Ilang transmission lines na naapektuhan ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Basyang, naayos na

Na-restore na ang ilang mga transmission lines sa Visayas at Mindanao na apektado ng pananalasa ng Bagyong Basyang ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa huling update na inilabas ng ahensya, naayos na ang linya ng Maasin-San Isidro 69kV kung saan naapektuhan ang mga customer ng SOLECO at DORELCO.

Samantala, partially-restored naman ang linya ng Placer-Madrid 69kV line kung saan apektado naman ang mga customer mula naman sa SURNECO at SURSECO II.

Sa ngayon ay nakapag-mobilize na ang NGCP ng kanilang mga linemen at kasalukuyang nagsasagawa ng patrol habang patuloy naman ang pagsasaayos sa mga lugar na accessible na.

Facebook Comments