Ilang transmission lines ng NGCP na napinsala sa pananalasa ng Bagyong Uwan, naibalik na sa normal na operasyon

Balik normal na ang operasyon ng ilang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na napinsala ng Bagyong Uwan.

Sa pinakahuling update ng NGCP, nasa siyam na 69kV line ang nabalik na sa operasyon.

Sa kabila nito nasa 26 na 69kV line sa Luzon ang unvailabe at isa sa Visayas.

Mayroon ding walong 230kV at dalawang 115kV lines ang hindi pa available.

Patuloy naman ang pagkukumpuni ng NGCP sa mga lugar na puwede nang pasukin ng NGCP habang nagsasagawa rin ng pagpapatrolya ang line crews para malaman ang lawak ng pinsala ng bagyo sa kanilang pasilidad.

Facebook Comments