Ikinalungkot ng mga transport group ang naka-ambang oil price hike ngayong araw.
Sinabi ni Pasang Masda president Ka Obet Martin, binigla sila sa higit anim na pisong taas-presyo ng krudo matapos ang halos apat na pisong rollback sa nakalipas na tatlong linggo.
Daing naman ng mga tsuper, tila naging walang kwenta ang ipinatupad na dagdag-singil sa pasahe ng LTFRB noong nakaraang linggo dahil sa pagsipa ng presyo ng krudo.
Kaugnay nito ay sinabi ni Martin ay makikipagdayalogo ang ilang mga transport groups sa Department of Transportation (DOTr) pang umapela ng tulong.
Ilan sa mga apela nila ay ang pagpapatuloy ng government service contracting program, fuel subsidy o diskwento sa krudo o di kaya ay ang pag-renew sa ginagamit na panukat na magpapatupad ng automatic fare adjustment formula.
Una nang inihayag ng LTFRB na wala silang nakikitang karagdagang singil sa pamasahe sa susunod na anim na buwan.
Dagdag pa rito, wala na ring pondo para sa anumang cash subsidies o ayuda.