Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng grupong Masang Masda na kakatigan ng LTFRB ang kanilang kahilingan na dagdag piso na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.
Ayon kay Pasang Masda Vice President Jojo Martin pinag-aaralan na umano ng LTFRB Board ang kanilang petisyon na dagdag pamasahe at tiwala silang maaprubahan ang karagdagan 2 pisong pamasahe dahil sa kumpleto umano sila sa mga dokumento at nagbayad pa sila ng filing fee sa LTFRB.
Paliwanag ni Martin pag -aaral pa ng husto ng LTFRB ang kanilang petisyon at tiwalang silang ikokunsidera ng ahensiya na pitong linggo na umano tumatataas ang presyo ng produktong petrolyo pero ang pamasahe ay hindi pa rin tumataas.
Giit ni Martin na dumadaan sa mabusising proseso at pag aaralan pa ng husto ng LTFRB ang kanilang kahilingan kayat umaasa silang kakatigan din ang kanilang kahilingan dahil mayroon naman umanong matibay na batayan kung bakit sila magtataas ng pamasahe sa jeep.