Ilang transport groups, hihilingin sa LTFRB na pagbigyan ang P1 provisional fare hike sa jeep dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo

Isusulong ng transport group sa pangunguna ng grupong Pasang Masda ang P1 provisional fare increase sa mga pampasaherong jeep nationwide.

Ayon kay Obet Martin, national president ng Pasang Masda, maghahain sila ng mosyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang pagbigyan ang P1 provisional fare increase sa mga pampasaherong jeep dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Magugunitang nauna nang naghain ng petisyon sa LTFRB ang grupo para sa fare increase sa kasagsagan nang pagpalo sa P5 ang taas presyo kada litro ng diesel noong kasagsagan ang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ani Marti, hindi naman napagbigyan ang kanilang hirit dahil kumalma na ang presyuhan ng petrolyo nang magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

Ani Martin, hindi sila humirit ng taas pasahe sa pag-aakalang magnonormaliza na ang presyo ng petrolyo.

Pero sa ngayon aniya ay nagkaroon na naman ng patuloy na taas-presyo ng petrolyo.

Facebook Comments