Hihirit pa rin ng taas-pasahe ang mga transport groups sa kabila ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Mula sa kasalukuyang 9-pesos na minimum na pasahe ay gusto nila itong itaas sa 12 pesos.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin – hindi nila matantya o mapakiramdaman ang galaw ng mga oil companies.
Sinabi naman ni Fejodap President Zenaida Maranan – hinihiling naman nila ang 10 pesos na provisional fare.
Sa February 4 ang hearing ng Fejodap sa LTFRB at isa sa pinangangambahan ng mga tsuper ay ang pagpapatupad ng mataas na excise tax sa petrolyo.
Facebook Comments