Ilang transport groups, hindi makikilahok sa tigil-pasada sa Lunes

Hindi makikilahok ang ilang transport groups sa National Capital Region (NCR) sa ikakasang isang linggong tigil-pasada sa darating na Lunes, Marso 6.

Ayon sa kinatawan na si Rep. Emon Espares ng Coop Natco Party List, nanindigan sila na walang plano ang kanilang grupo na sumabay sa naturang transport strike.

Paliwanag niya at ng ibang lider ng transport group, ayaw nilang pahirapan ang mga commuter lalo na’t karamihan sa mga ito ay mga mag-aaral at manggagawa.


Dagdag pa ng grupo, na-pressure sila na sumabay sa transport strike sa nakalipas na mga taon dahil ang taong bayan ang nahirapan.

Giit pa ng iba’t ibang lider ng grupo, malaki ang epekto nito sa mga commuter kung makikilahok pa sila sa isang linggong transport strike.

Paliwanag pa nila, sa magaganap na tigil-pasada, kakayanin nila na maserbisyuhan ang buong NCR sa kanilang hanay.

Facebook Comments