Naghain ng rekomendasyon ang ilang transport groups sa Department of Transportation (DOTr) hinggil sa patuloy na pagbiyahe ng iconic na traditional jeepney.
Kasunod na rin ito sa pag sang-ayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pahintulutan ang mga nag-consolidate na PUV operators na magkaroon ng option na magpa-rehabilitate.
Sa kanilang liham kay DOTr Secretary Jaime Bautista, iginiit ng League of Transport operators na dapat ang ilang rekomendasyon sa gagawing pagpayag sa patuloy na operasyon ng traditional jeepneys.
Ayon sa grupo, dapat mapanatili ang tradisyonal na katawan ng mga traditional na jeepney na sumasalamin sa Philippine culture.
Ito ay sa kondisyong ang mga chassis ay nasa maayos na kondisyon pa at ang makina ay kinakailangang euro4 o euro 5 compliant.
Kinakailangan din na sumailalim ang mga ito sa intensive inspection ng Motor Vehicle Inspection Center ng LTO.
Ang taas at haba ng mga traditional jeep ay umaalinsunod sa PNS compliance.
Sa naging diyalogo ng mga transport groups kay Pangulong Marcos, planong pondohan ang rehabilitation program para gumaan ang gastusin ng mga driver at operator.