Kasama na rin sa ini-imbestigahan ng National Bureau of Investigation o NBI ang posibleng pagkakasangkot ng ilang travel agencies at tour operators sa “Pastillas Modus” sa Bureau of Immigration.
Ayon sa imbestigasyon ng NBI, ang posibleng pagkikipag-sabwatan ng ilang mga tiwaling Travel Agencies at Tour Operatos sa mga sindikatong nasa likod ng pagpapalusot sa bansa ng Chinese POGO workers.
Naniniwala rin si Sec. Guevarra na ang Visa Upon Arrival o VUA ang naging ugat ng katiwalian sa airport.
Una nang nirebisa ng DOJ ang panuntunan sa pagbibigay sa mga Chinese ng Visa Upon Arrival o VUA upang matiyak na hindi ito maabuso.
Nilinaw naman ni Justice Spokesman Usec. Mark Perete na sa ilalim ng nirebisang Department Circular 001 series of 2020, hindi maaring i-extend ang 30-araw na VUA ng isang Chinese sakaling umalis ng bansa ang visa holder.