Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Alex Dioso, 53 years old, residente ng Brgy. District 1, Cauayan City, mahigit isang dekada na aniya itong namamasada at tanging ito ang kanyang pinambubuhay sa kanyang pamilya.
Sa pagbaba ng alert level status ng Lalawigan ng Isabela sa alert level 2 ay nangangamba si Ginoong Dioso na posibleng ibalik nanaman sa dati na walang sinusunod na number coding ganun na rin sa pagbabalik sa dati at minimum fare na 13 pesos.
Sa kasalukuyan, mayroon pa rin sinusunod ang mga tsuper na number coding para sa kanilang paglabas at pamamasada na kung saan ay mas kumikita pa raw si Ginoong Dioso dahil mas kakaunti silang namamasada at mas malaki pa ang kanilang kinikita kada araw.
Kanyang sinabi na kapag ibinalik sa rambol o lahat ng mga traysikel drivers ay papayagang mamasada ay mahihirapan muli siyang makahanap ng pasahero dahil iilan lamang aniya ngayon ang commuters lalo na’t wala pang klase ang mga estudyante.
Samantala, aware naman si Ginoong Dioso sa ipinatupad na No Contact Apprehension Program ng Cauayan City na kahapon lang ay sinuspinde ni Mayor Bernard Dy na kung saan ay kahit wala aniyang ganitong programa ay sumusunod pa rin naman siya sa mga traffic rules para makaiwas sa anumang paglabag.