ILANG TRICYCLE DRAYBER SA LUNGSOD NG CAUAYAN, HUMIHINGI NG KONSIDERASYON SA MGA KOMYUTERS

Sa patuloy na pagtaas-baba ng presyo ng petrolyo, ilan sa mga namamasada ng traysikel sa lungsod ng Cauayan ay humihingi ng konsiderasyon sa mga komyuters.

Ayon kay Nestor Cariño, isang tricycle drayber, pahirapan aniya sa katulad nilang namamasada ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, na kung saan halos limang (5) piso ang itinataas nito ngunit kung bababa naman ay nasa sentimo lamang.

Aniya, sa mahal umano ng mga bilihin ngayon ay hindi na sumasapat ang kanilang kita sa pamamasada at madalas pa umanong kinakapos.

Isang pahirap rin umano para sakanilang mga drayber ang mamasada tuwing umuulan, sapagkat madalas ay walang pasahero.

Kung hindi rin naman sila lalabas upang magbakasakali ay gugutumin naman ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Mang Cariño, dahil sa marami na rin ang namamasada sa lungsod, ay masaya na umano sila kung makatatlong byahe ang mga ito.

Kaya naman pakiusap nito sa mga pasahero na bigyan din sila ng konsiderasyon, dahil hindi naman umano ibig sabihin na nagbaba ang presyo ng gasolina ay ibababa na rin nila ang kanilang pamasahe.

Facebook Comments