ILANG TRICYCLE DRIVERS SA PANGASINAN, DAING ANG PATULOY UMANONG PAMAMASADA NG MGA KOLORUM

Daing pa rin ng ilang tricycle drivers sa Pangasinan ang patuloy na pamamasada ng mga kolorum.
Ani ng ilang tricycle driver sa Dagupan City,madalas pa umanong naagawan sila ng mga kolorum na tricycle driver ng mga pasahero at pati na rin sa kanilang kita.
Hindi rin umano patas para sa kanila dahil nagpapakahirap silang kumuha ng prangkisa upang legal na maka-pasada ng kanilang tricycle.
Nanawagan ito sa kinauukulan na Kung maaari ay gumawa ng hakbang upang mabigyan sila ng prangkisa.
Sa ngayon, nanawagan ang mga ito na mabigyan din sila ng fuel subsidy dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments