Ilang truck, carpool, tricycle drivers, posibleng magtigil-pasada na rin

Pinag-iisipan na rin ng ilang driver ng truck, carpool, at tricycle na magsagawa ng tigil-biyahe sa gitna ng sunod-dunod na oil price hike.

Ito ay kasunod ng tigil-pasada ng ng ilang jeepney drivers dahil sa 11-linggong taas-presyo sa langis.

Ayon kay Inland Hauler and Truckers Association President Teddy Garvacio, wala ng kinikita ang mga trucker sa mahal ng diesel at tinaggal na rin ng mga gasolinahan ang pautang o purchasing order nila sa mga trucker kaya nag-aabono na ang mga ito para sa petrolyo.


Sa katunayan aniya ay may mga trucker nang tumigil sa pagbiyahe lalo’t wala pa silang natatanggap na ayuda.

Samantala, umapela naman ang grupo sa pamahalaan na suspindehin ang excise tax upang maibsan ang epekto ng taas-presyo ng produktong petrolyo sa kanilang hanay.

Facebook Comments