Ilang tsuper, abala na sa paghahanda sa pagbabalik pasada sa Lunes

Inihahanda na ng ilang mga tsuper ang kanilang mga jeepney para sa pagbabalik sa kalsada sa Lunes.

Ilang jeepney drivers sa Anonas, Quezon City ang abala na sa pagdi-disinfect at paglalagay ng mga plastic na harang para sa social distancing sa kanilang mga jeep. Bumili na rin sila ng mga alcohol, foot mat, thermal scanner at logbook ng mga pasahero.

Bagama’t dagdag gastos sa mga tsuper at operator ang pagbabalik operasyon, wala silang magagawa kundi ang sumunod sa mga safety protocols.


Samantala, ilang mga operator naman ang nagtungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mag-apply ng special permit ng kanilang magiging biyahe at ruta sa Lunes.

Facebook Comments