Ilang tsuper at commuter, dudang kakayanin ng pampublikong transportasyon ang pagbabalik ng lahat ng estudyante sa paaralan

Duda ang ilang tsuper at commuter na kakayaning suportahan ng kasalukuyang estado ng pampublikong transportasyon ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyante.

Ayon sa ilang mga jeepney driver sa Philcoa, Commonwealth Ave. Quezon City, hindi kakayaning i-accommodate ang dagdag na commuter dahil nabawasan na ang mga bumabyaheng jeep sa kanilang ruta dahil naibenta o nasira na kasi ang mga ito sa nagdaang pandemya.

Bahagyang natuwa naman ang ilang tsuper dahil posibleng madagdagan ang kanilang kita sa pagbabalik ng mga estudyante, pero kumambyo ang mga ito nang maaala ang taas ng bilihin.


Samantala, iisa naman ang mga hinaing ng mga commuter na pumapasok sa trabaho dahil mas malaking problema anila ito sa kanila kung makakasabay na nila ang mga estudyante sa biyahe.

Mungkahi ng mga commuter, pag-aralan ng pamahaalan kung paano ang sistemang dapat ipatupad sa pagkokomyut dahil iba na ang sitwasyon ngayon kumpara sa sitwasyon noong wala pang pandemya.

Facebook Comments