Friday, April 10, 2026

Ilang tsuper ng jeep, dismayado sa namumurong oil price rollback sa susunod na linggo

“Kung gaano ang itinaas, ganun din dapat ang rollback”.

Ito ang panawagan ng mga tsuper ng jeep sa Pasay City kasabay ng inaasahang kakarampot na oil price rollback sa susunod na linggo.

Sinabi ni Mang JC Bautista, masyadong mababa ang rollback kung maglalaro lang ito sa P2.50 hanggang P8 base na rin sa pagtaya ng mga oil players.

Aniya, hindi pa rin ito sasapat dahil nasa mahigit P150 na ang kada litro ng diesel at ang naiuuwi na lang nila sa kanilang pamamasada ay nasa P300 hanggang P400.

Sinabi naman ni mang Francisco Asuncion na walang kwenta ang naturang rollback dahil hindi pa ito nangalahato sa itinaas ng diesel sa apat na linggong nagkaroon ng mataasang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Aniya, kahit nagbawas na ang mga operator ng jeep ng boundary na ngayon ay P400 ay halos wala pa rin silang kinikita kayat kailangan nilang magdagdag ng oras sa pamamasada.

Facebook Comments