ILANG TSUPER NG JEEP SA PANGASINAN PATULOY ANG PAG-IINGAT; BARRIERS SA MGA UPUAN HINDI PA TINATANGGAL

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Sa kabila ng kautusan na inilabas ng Department of Transportation a hindi na mandatory ang paggamit ng plastic barriers sa mga upuan ng jeep ilan sa mga tsuper dito sa Pangasinan ay patuloy ang pag-iingat sa COVID-19 kung kaya’t hindi pa nila inaalis ang mga barriers.

Saad ng karamihan hanggang sa ngayon ay mayroon pa rin ang banta ng pandemya kaya naman mas maigi ang mag-ingat muna.

Matatandaan na epektibo na kahapon ang kautusan mula sa DOTr kaya naman karamihan sa mga pampasaherong jeep ay wala ng plastic barriers.


Samantala, malaking tulong naman sa kanila ang dagdag sa pasahero upang makabawi din sa magkakasunod na price hike ng gasolina.###

Facebook Comments