Ilang tsuper ng jeepney, umaasang magtutuloy-tuloy na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo

Umaasa ang ilang jeepney driver na magtutuloy-tuloy na ang oil price rollback sa mga susunod pa na linggo.

Nagkaroon kasi ng tapyas na P0.40 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene sa kabila nito nagkaroon naman ng umento sa kada litro ng gasolina na P0.50.

Sa panayam ng RMN Manila kay Feliciano Gamponya, jeepney driver, sinabi nitong kahit papaano ay malaki na rin ang naitutulong ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.


Aniya, mahigit P100 din kasi ang nawawala sa kanilang kita kapag nagkakaroon ng oil price hike, sana daw ay magtuloy-tuloy na ito sa mga susunod pang linggo at sana’y mas mataas naman ang tapyas kumpara sa nagiging umento.

Kung maalala ito na ang pangatlong beses na nagkaroon ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene ngayong 2024.

Facebook Comments