Ilang Tulay sa Cauayan, Lubog at Di Madaanan

Cauayan City, Isabela – Cauayan City – Dahil sa walang hintong pag-ulan, ilang mga tulay sa Cauayan ang kasalukyang hindi madaanan dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog.

Sa pinakahuling update na ipinalabas ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO-Cauayan) ala-una ng hapon ngayong araw Disyembre 20, 2017, pansamantalang hindi nadadaanan ang ilang mga tulay sa Cauayan na nagdudugtong sa iba pang mga barangay.

Kabilang dito ang Ragpatan Bridge (pagitan ng District 1 at 3), Murong Bridge/Tulay Ng Pangulo (Turayong-Gagabutan), at ang Alicaocao Bridge (Alicaocao-Turayong) na hanggang sa ngayo’y lubog pa rin dahil sa pagtaas ng tubig.


Kasalukuyan namang ligtas pa rin sa baha ang tulay ng Sipat ayon sa pinakhuling update.

Ang walang humpay na pagbuhos ng ulan na nagingging dahilan ng pagtaas ng tubig sa mga nasabing tulay ay dulot pa rin ng buntot ng Cold Front na siyang nakakaapekto sa pagkakaron ng maulan at maulap na papawirin sa hilagang bahagi ng Luzon ayon sa PAG-ASA.



Facebook Comments