ILANG TULAY SA ISABELA, HINDI NA MAAARING DAANAN DAHIL SA PAG-APAW NG TUBIG SA ILOG

Cauayan City – Pansamantalang hindi na maaaring madaanan ng mga sasakyan ang ilang mga tulay sa lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela, sa 9 na tulay sa buong lalawigan, 5 sa mga ito ang pansamantalang hindi na madaanan ng mga sasakyan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

Kabilang sa mga tulay na hindi na passable ay Alicaocao Overflow Bridge sa lungsod ng Cauayan, Gucab at Annafunan Bridge sa bayan ng Echague, at Baculud Overflow Bridge at Cabisera 8 Bridge sa lungsod ng Ilagan City, Isabela.


Samantala, nananatili pa ring passable ang Masaya Bridge sa bayan ng San Agustin, Cansan Bridge sa Bayan ng Sto. Tomas-Cabagan, at Sta. Maria Bridge sa Bayan ng Sta. Maria-Cabagan Bridge.

Mahigpit ring binabantayan ng mga awtoridad ang mga nabanggit na tulay upang patuloy na i-monitor ang pagbaba o pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog.

Facebook Comments