Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na nakapagtala ang Hong Kong Police Force ng 12% na pagtaas sa mga kaso ng shoplifting sa nakalipas na taon.
Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, ilan sa mga sangkot sa shoplifting sa Hong Kong ay turistang Pilipino.
Ilan din anilang turistang Pinoy roon ang nabiktima mismo ng pandurukot.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Philippine Consulate General sa lahat ng mga turista na galing sa Pilipinas na sumunod sa batas ng Hong Kong.
Pinapayuhan din ang mga turistang Pinoy na maging mapagmatiyag sa pangangalaga sa kanilang mga kagamitan habang nagbabakasyon.
Sa ilalim ng Hong Kong Theft Ordinance, ang pagnanakaw o theft ay may parusang multa at pagkakabilanggo hanggang 10 taon.
Facebook Comments