ILANG UNIBERSIDAD SA DAGUPAN CITY, ININSPEKSYON PARA SA PAGSASAGAWA NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Health Region 1, Commission on Higher Education (CHED), Department of Interior and Local Government sa ilang paaralan sa lungsod ng Dagupan sa pagsasagawa ng mga ito ng limited face-to-face classes para sa mga health-related courses.

Ilang unibersidad umano ang nagpaabot ng kanilang intention sa pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa second semester alinsunod sa CHED-DOH joint memorandum circular para sa unti-unti pagbubukas ng mga campuses, colleges at universities.

Tinignan ng tatlong ahensya ang mga panuntunan ng paaralan sa pagpapatupad ng minimum health standards at iba pang alituntunin alinsunod sa IATF.


Nauna ng naaprubahan ang Lyceum Northwestern University sa lungsod ng CHED sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes para sa mga medical courses.

Facebook Comments