Ilang vaccination center bukas para sa mga hindi nakapagpabakuna ng 2nd dose ng bakuna sa Taguig City

Inihayag ng Taguig City government na bukas hanggang Setyembre 4, Sabado ang ilang mga vaccination venter sa Taguig City para sa mga nakaligtaan at hindi nakapagpaturok ng 2nd dose ng bakuna laban sa COVID-19 dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Base sa anunsyo ng Taguig City Vaccination Task Force ang mga hindi pa nakapagpaturok ng second dose ng Sinovac batay sa kanilang orihinal na schedule ay pwede nang magtungo sa Bonifacio High School at para naman sa 2nd dose ng Moderna ay maaaring pumunta sa Lakeshore-2 Mega Vaccination Hub, habang ang 2nd dose ng Pfizer ay maaari naman dumirekta sa Lakeshore-1 Mega Vaccination Hub at para naman sa second dose AstraZeneca maaari naman pumunta sa Vista Mall Vaccination Hub.

Suspendido pa rin ang bakunahan ng 2nd dose ng Sputnik V sa Taguig City dahil sa kawalan ng supply ng bakuna.


Facebook Comments