Ilang VCM, nakitaan ng aberya

Manila, Philippines – Ilang aberya ang naitala ng Commission on Election o Comelec sa mga gagamiting vote counting machine o VCM kasunod ng isinagawang final testing and sealing sa Maynila.

Ayon kay Atty. Erickson Teodoro, chairman ng Manila Board Canvasser, may ilang SD card para sa VCM ang hindi gumana.

Dahil dito, kinailangan aniyang dahil sa kanilang regional office ang mga SD card para i-reconfigure at posible maibalik sa kanila ngayong araw.


Sabi pa Teodoro, may insidenteng rin na hindi mapagana ng ilang Board of Election Inspector (BEI) ang Voters Registration Verification System o VRVS.

Nakaligtaan kasi aniya ng mga BEI ang tamang pagpapagana nito.

Paglilinaw naman ni Teodoro, sakaling hindi mapagana ang VRVS ay mayroon pa ring hard copy o official na book of voters ang kada polling precinct.

Facebook Comments