Ilang vendor sa New Taytay Public Market, hindi sinusunod ang ordinansa na pagsusuot ng face shield

Dismayado ang pamunuan ng Taytay Rizal Government dahil sa kabila ng laki ng tarpaulin na nakapaskil sa labas ng New Taytay Public Market, bukod pa sa may bantay na sumasala sa mga mamimili, pero hindi pa rin nasusunod ang mandatory na pasusuot ng face mask at face shield.

Ang malala, mismong mga vendor ang lumalabag sa ordinansa.

Ayon sa bantay ng palengke pahirapan ang pagpapatupad ng ordinansa.


Ang ginagawa kasi ng ilan ay magsusuot ng face shield sa entrance pero huhubarin ito kapag nasa loob na ng palengke.

Wala namang pulis na nakaposte sa palengke kaya hindi rin makontrol ang mga lumalabag sa ordinansa.

Nabatid na ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng P1,000 sa first offense , P1,500 sa ikalawang paglabag, at P2,000 sa ikatlong paglabag.

Samantala, may 8 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa Taytay, Rizal, kaya umabot na sa 421 ang kanilang kumpirmadong kaso ng virus.

Facebook Comments