Ilang Venezuelan government websites, inatake ng mga hacker

Venezuela – Kasunod ng tumitinding kaguluhan sa Venezuela, inatake ng isang hacking group ang ilang Venezuelan government websites.

Target ng hacking ang dictatorship ni President Nicolás Maduro.

Nagpakilala ang grupo bilang The Binary Guardians, ang grupong sumusuporta umano sa armadong grupong umatake sa base-militar sa Valencia noong linggo.


Sa ngayon ay may isang daan tao na ang namatay sa mga protesta laban sa administrasyong Maduro.

Facebook Comments