Nasa 200 na mangingisdang Vietnamese National ang nabigyan ng tulong ng Philippine Coast Guard sa Subic at ng lokal na pamahalaan ng Olangapo.
Ang mga nasabing mangingisda ay sakay ng anim na fishing vessel kung saan pansamantala sulang dumaong sa Subic Bay matapos balaan sa patuloy na pananalasa ng bagyong Quiel.
Nabatid na nasa kalagitnaan na sila ng West Philippine Sea nang makatanggap ng babala hinggil sa nasabing bagyo kaya’t agad na nagtungo sa Subic.
Samantala, naghahanda na ang barko ng Coast Guard na BRP Malabrigo para maghatid ng mga relief goods ngayong araw sa mga nabiktima ng lindol sa Mindanao.
Kabilang mga dadalhing items ay tent, food packs, bottled water, hygiene kits at mga gamot na galing sa Department of Health, Presidential Management Staff, Banko Sentral ng Pilipinas at pribadong indibidwal.