Ilang world leaders, kinondena ang nangyaring bomb attacks sa Sri Lanka

Nagpaabot na rin ng pagkondena at pakikiramay ang ilang world leaders sa nangyaring malagim na pag-atake sa Sri Lanka na ikinamatay ng higit 200 katao.

Taus-pusong pakikiramay ang ipinapaabot ni US President Donald Trump sa mga mamamayan ng Sri Lanka at handang umalalay sa mga ito.

Sinabi naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi – walang lugar ang barbarismo sa kanilang rehiyon.


Para kay Turkish President Tayyip Erdogan – ang serye ng pagsabog ay itinuturing na pag-atake sa sangkatauhan.

Nanawagan naman si New Zealand Prime Minister Jacienda Ardern na matigil na ang mga ganitong karahasan.

Sa kanyang Easter Sunday message, nanawagan si Pope Francis ng pagkakaisa sa buong Christian community at ipanalangin ang lahat ng biktima ng karumal-dumal na pag-atake.

Facebook Comments