Ilang world leaders, nagpahayag ng pagbati kay Ressa at Muratov matapos gawaran ng Nobel Peace Prize win

Nagpahayag ang ilang world leaders ng pagbati kina Rappler CEO at Journalist na si Maria Ressa at Dmitry Muratov matapos gawaran ng Nobel Peace Prize.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, kasabay ng kanilang pagbati kina Ressa at Muratov, dapat matiyak ang karapatan sa malayang pamamahayag at kilalanin ang pangunahing papel ng mga journalist.

Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, mas mahalaga pa rin ang malaya at ang makatotohanan journalism.


Sa pahayag naman ni US President Joe Biden, sinabi nito na ang dalawang mamahayag ay ipinakita ang katotohanan ng walang pagod at walang takot.

Kabilang rin sa mga pumuri kina Ressa at Muratov si dating US State Secretary Hillary Clinton at ang Pakistani activist na si Malala Yousafzai.

Una nang sinabi ni Norweigan Nobel Committee Chairwoman Berit Reiss-Andersen, ang pagkilala kina Ressa at Muratov ay dahil sa kanilang matapang na paglaban sa freedom of expression sa Philippines at sa Russia.

Nabatid na sa Disyembre 10, 2021 igagawad ang Nobel Peace Prize na siyang anibersaryo ng pagkamatay ni Swedish industrialist Alfred Nobel, ang founder ng prestihiyosong award noong 1895.

Facebook Comments