Umaasa ang ilang Pangasinense na tatalakayin sa ika-apat na SONA ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kaukulang solusyon sa problemang dulot ng pagbaha.
Isa ang Pangasinan sa lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha na nagpalubog sa ilang bayan at lungsod kasunod ng habagat at mga nagdaang bagyo.
Anila, matagal na itong problema maging sa ibang panig ng bansa kaya mainam na matalakay rin ang mga naging proyekto at mga plano para maibsan ito.
Bagaman, ilang beses nangng binuksan ang usapin ukol sa nararansangng tubig baha sa bansa ay tila patuloy pa rin umano itong nararanasan lalo ng mga nasa low-lying areas at mga komunidad na malapit sa kailugan.
Matatandaan na tinukoy ng Pangulo na makakatulong sa pagbaha ang pagpapatayo ng mga dam sa bansa kasabay umano ng pagtitiyak ng patubig sa mga irigasyon.
Sa ilalim ng nilagdaang national budget ngayong taon, nasa P1.007 Trillion ang inilaan para sa flood control projects sa bansa matapos i-veto at tapyasan ng Pangulo ang budget para sa ilang proyekto para rito.
Sa kasalukuyan, inatasan ng Pangulo ang DPWH na mag-update sa mga flood-control projects para matiyak ang pagiging epektibo ng mga ito na parehong isyu na nais din imbestigahan ng Senado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









