ILBO, laban sa 7 opisyal ng OVP, ipinag-utos ng DOJ

Inaprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang paglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP).

Tugon na rin ito ng kagawaran sa hiling ng Kamara, partikular ng House committee on Good Government and Public Accountability dahil sa patuloy na pagliban ng mga ito sa pagdinig kaugnay sa paggamit ng pondo ng OVP.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, pirmado na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ILBO.


Ibig sabihin nito, pahihintulutan na ang Bureau of Immigration na i-monitor ang pagbiyahe ng pitong OVP officials.

Pero, paglilinaw ni Clavano, hanggang sa monitor lamang ang ILBO at titimbrehan lamang nito at ipapaalam sa BI at DOJ sakaling lumabas sila ng bansa.

Wala aniya itong kapangyarihan na pwersahin silang dumalo sa anumang pagdinig kahit ng korte.

Sa ngayon, wala namang ilalabas na precautionary hold departure order sa mga opisyal dahil wala pa silang mga kinakaharap na kaso.

Facebook Comments