Ilegal na Chinese clinic sa Parañaque, sinalakay

Nadiskubre ng awtoridad ang isa pang underground clinic na para lang umano sa Chinese nationals na hinihinalang may COVID-19 sa Parañaque City.

Sinalakay nitong Sabado ang clinic sa Multinational Village, isang linggo mula nang ipag-utos ni Mayor Edwin Olivarez ang pagsisiyasat sa lugar matapos makatanggap ng sumbong sa mga residente na napapadalas ang paglabas-pasok dito ng mga Chinese.

Nadakip sa raid si Youngchun Cai, 51, namamahala sa nasabing clinic sa ikatlong palapag ng isang commercial building sa nasabing subdivision.


Nasabat ng awtoridad ang iba’t-ibang tatak Chinese na gamot sa ubo, influenza, sexually transmitted diseases (STDs) at COVID-19–lahat ay hindi aprubado sa Food and Drug Administration.

Nakumpiska rin ang mga kagamitan tulad ng medical chairs, stethoscopes, dextrose stands, sphygmomanometers, personal protective equipment at face masks.

Nahaharap ang naarestong Chinese national sa paglabag sa Philippine Pharmacy Act at Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments