Sinalakay ng pulisya ang isang ilegal na clinic sa ikatlong palapag ng Morgana Building, Multinational Avenue, Multinational Village sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Ikinasa ang operasyon kasunod ng mga sumbong ng mga residente na madalas na may nakikitang mga foreign national na nagbebenta ng mga gamit nang walang kaukulang permiso.
Nasabat ng mga otoridad sa loob ng kwarto ang iba’t ibang gamot para sa ubo, sipon, STD at hindi rehistradong capsule para umano sa COVID-19 na ang label ay may Chinese character.
Nadiskubre rin sa ang kahon-kahong face mask at iba pang medical supplies.
Ayon kay Atty. Ding Soriano, City Administrator ng Parañaque Local Government Unit (LGU), walang permit at iba pang dokumento ang nasabing klinika.
Nadakip naman sa operasyon Chinese national na si Yongchun Cai na nagbabantay sa naturang clinic.