Ilegal na droga, sa Davao City namamayagpag at hindi sa Iloilo – Senator de Lima

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Leila de Lima ang pagdadawit ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Senator Franklin Drilon at dating DILG Secretary Mar Roxas sa ilegal na droga.

Giit ni de Lima, hindi sa Iloilo, kundi sa Davao City tunay na namamayagpag ang ilegal na droga na kagagawan ng umanoy drug smuggler nitong anak na si Vice Mayor Paolo Duterte at kasabwat din ang manugang nito na si Atty. Mans Carpio.

Tanong ni de Lima, habang buhay na bang pagtatakpan ng mga kaalyado ng pangulong duterte at ng buong gobyerno sina Pulong at Atty. Mans?


Hamon ni de Lima kay Pangulong Duterte, tigilan na ang napakalaking panloloko sa taumbayan at paimbestigahan sa attack dog nitong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kanyang anak at manugang.

Mensahe pa ni de Lima kay Pangulong Duterte, huwag na itong mandamay at magturo sa mga inosente para lang mailigtas ang sariling anak at manugang na tunay na nasa likod ng operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments