Ilegal na Larong Drop Ball, 4 na Gamblers Arestado!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Sa matinding kampanya ng Valley Cops laban sa ilegal na laro, matagumpay na nahuli ang apat na gamblers sa lalawigan ng Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2 sa RMN Cauayan, naaresto ang tatlong gamblers na mula sa Cauayan City kung saan kinilala ang mga ito na sina Gerardo Malana, 54 anyos, residente ng Purok 5 Tagaran, Cauayan City; Jackson Dacuycuy, 33 anyos at residente ng Purok 6 Tagaran, Cauayan City at Geronimo Carag, 38 anyos, may asawa, traysikel drayber at residente ng Purok 5 San Luis, Cauayan City sa oras na 2:15 ng hapon, March 12,2018.

Nakuha sa tatlo ang dalawang piraso ng dice at salapi na umabot sa Php 400.00. Dahil dito kaagad na naisampa ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling laban sa tatlong gamblers at nakapiit na sa Cuayan City Police Station.


Samantala sa pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU2-Isabela PFU, PIB-Isabela PPO, Ilagan City Police Station at Isabela PPO , nahuli nman si Edward Solito, 23 anyos at residente ng Barangay Poblacion, San Pablo, Isabela dahil sa paglabag sa kasong PD 1602 o Illegal Gambling.

Naaresto si Solito sa Barangay San Ignacio, Ilagan City sa oras na 9:30 ng gabi, March 13,2018 at nakonpiska sa pag-iingat nito ang Php 1,143.00, tatlong piraso ng basket na plastik, dalawang piraso ng pingpong na bola, isang betting table, apat na betting boards at isang imbudo.

Nasa pag-iingat na ng CIDG RFU2-Isabela PFU Office si Solita para na karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

tags: Luzon, RMN News, DWKD 985 Cauayan,

Facebook Comments