Maaaring makulong ang mga taong nagbebenta at namamahagi ng COVID-19 vaccines na walang lisensya mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ito ang pahayag ng Malacañang sa gitna ng isasagawang imbestigasyon hinggil sa pagpuslit sa bansa ng mga hindi awtorisadong bakuna at paggamit nito ng ilang public officials at military personnel.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila maaaring magbenta kung wala silang lisensya.
Sinabi rin ni Roque na ipinauubaya na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa hindi awtorisadong pagpapabakuna ng ilang indibidwal.
Una nang dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at iginiit na ginawa nila ito bilang bahagi ng ‘self-preservation.’