
Nadiskubre ng pinagsanib pwersa ng Philippine National Police at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang ilegal na operasyon ng minahan sa Bugwak, Barangay Tingalan, Opol, Misamis Oriental, kahapon.
Sa isinagawang operasyon ng mga operatiba, naaktuhan nila ang nasabing pagmimina gamit ang heavy equipment na walang mga permits at legal na dokumento kung saan ito ay paglabag sa Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
Dahil dito, naaresto ang 24 na mga indibidwal kabilang na rito ang 2 chinese nationals na kinilala bilang supervisors/caretakers ng nasabing site.
Habang ang iba naman rito ay mga Pilipinong trabahante na nagsasagawa na ibang mga role kagaya ng pagooperate ng mga heavy equipment ,welders, at maintenance personnel.
Narekober sa nasabing site ang 2 backhoes; 2 dump trucks; 2 trommel units; 2 generator sets; 6 na water pumps; at 30 sako ng hinihinalang mineral ores kung saan tinatayang nasa 30 milyong piso ang halaga ng mga nasabing nakumpiska.
Dinala naman ang mga nakumpiska na ito sa Opol Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagkatapos nito ay ituturn-over sa Mines and Geosciences Burea, sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Compound, Puntod, Cagayan de Oro City, para sa tamang disposisyon.










