Isang hinihinalang ilegal na manufacturing o pagawaan ng paputok ang itinimbre sa Dagupan City Police Office sa Sitio Boquig, Bacayao Norte noong madaling araw ng Huwebes, November 20.
Inaksyonan ng awtoridad katuwang ang Western Pangasinan Provincial Explosive Ordinance Disposal Unit ang lugar kung saan narekober ang mga kemikal, kagamitan at ilan pang finished product na paputok.
May apat na indibidwal din ang nakitang tumatakas na nag-udyok sa mga operatiba na pasukin ang barong-barong.
Nakatakdang isailalim sa forensic examination ang mga nakumpiskang paraphernalia.
Matatandaan, na isang ilegal na pagawaan na paputok ang nadiskubre sa Brgy.Tebeng noong November 16 matapos umalingawngaw ang malakas na pagsabog na nakaapekto sa ilang indibidwal.
Patuloy na hinihikayat ng Dagupan City Police Office ang publiko na makipagtulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad, lalo na’t papalapit ang panahon ng kapaskuhan.









