ILEGAL NA PAGBEBENTA NG KARNE SA PAMPUBLIKONG LUGAR SA BAYAMBANG, TINUTUKAN

Tinutukan sa Bayambang ang lumalalang problema ng ilegal na pagbebenta ng karne sa pampublikong daan.

Sa huling pulong na isinagawa kasama ang Municipal Administrator, mga concerned department and unit heads, mga kapitan, at mga vendor sa nasabing mga lugar, inihayag na maaaring magkaroon ng banta sa kalinisan at kalusugan ang ilegal na pagbebenta ng karne sa mga pampublikong daan.

Hindi umano dumadaan sa tamang inspeksyon ang mga karneng ibinebenta at nagdudulot ito ng maanghang na amoy sa mga baradong drainage system.

Tinalakay rin ang mga paglabag sa ilegal na pagbebenta ng mga ito sa pampublikong daan at hinanapan ng pangmatagalang solusyon upang ito ay maging maayos at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments