Naglipana ang mga social media post sa bayan ng Binalonan tungkol sa mga ilegal na nagbebenta ng lupa nang walang maipakitang kumpletong dokumento at kaukulang papeles, permit, at license to sell.
Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Binalonan ang mga residente ng kakailanganing mga papeles upang maging legal ang pagbebenta at pagbili ng lupa.
Ibinahaging muli ang public advisory tungkol sa mga dokumentong kailangan ipresenta para sa pagbebenta ng lupa tulad ng Approved Subdivision Plan, Development Permit issued by the LGU and Certificate of Registration and License to Sell Issued by the DHSUD.
Ito ay upang maiwasan ang pagbili ng lupa ng walang pag-apruba, clearance, at kinakailangang permit, gayundin ang pagpapatayo ng bahay sa iligal na lupa.
Hinihikayat ng LGU Binalonan ang mga mamamayan nito na maging mapanuri at mapagmatyag para maiwasan ang ilegal na transaksyon sa lupa. |ifmnews
Facebook Comments